ang aking Kwaderno.
at ang mga ,kwentong tsokolate
|
|
Profile
Ako si Mister Brown isang simpleng Pinoy na walang ginagawang masama, maliban sa pagtapon ng basura kung saan-saan. Isa akong moody na tao, minsan masaya, minsan malungkot, minsan baliw, minsan normal at minsan abnormal pero kadalasan ako ay matakaw at wala sa sarili dahil lumilipad ang aking utak sa alapaap. bakit BROWN? dahil ito ay paborito kong kulay, kulay din ito ni tazmania na paborito kong cartoon character at mahilig ako sa tsokolate. :) — yun lang Tagboard
ShoutMix chat widget friends.
*link exchange is open
ت Luna ت Dra. Kwak Kwak Archives
February 2011
Credits
©Glamouresque. |
POGENG gupeeeet :D
Friday, February 18, 2011 | 3:47 PM isang araw sinabi ng aming guro na kung hindi kami PROPER HAIRCUT wala kaming MONTHLY EXAM. nlaman ko lang ito nung pag-pasok ko lamang.... tamad nga kasi ako kaya iyon tinamad akong makinig ng mga kung anu anong announcement... buti na lang at na dyan ang mga SUPERHERO. tamaaa. superhero, ang aking mga kaklase na naging instant na BARBERO at PARLORISTA mas instant pa sa kaya pag dating ng uwian... sugoood sa TUNAY na BARBERO ngunit masyadong malayo kaya sa mga PARLORISTA na lang na malapit sa school namin... *habang ang kabilang parte ng buhok ko ay gupit at sa kabila ay hindi* ngunit sadyang minamalas... 2 parlor na ang napuntahan namin ang una ay marami pa ang nakapila... habang ang pangalawa ay wala daw nag gugupit ng 2x3 na buhok doon. :(( ngunit di ako nawalan ng pag-asa. buti na lang at sa sumunod na parlor ay natapos ang problema ko.. :DD kaya nagmukha akong SUNDALO.. bwahahahahaha sabi ng kasama ko bakit di daw ako nag-bigay ng tip ngunit naisip ko... bakit naman? ang mahal nga ng singgil nila ehh 80 pesos.. wala pa nga akong project sa MAPEH ehh.. alam ko walang koneksyon ang huling pangungusap na sinabi ko... wala lang para may masabi lang.. ngayooon,,, iba na ang itsura ng aking buhoook ngunit bagay naman daw ehhh. :D sabi nga ng kaklase ko Yung buhok mo tutubo.. Eh yung Grades mo ba? tutubo ba yan? yan ang dahilan kay kung bakit ako pumayag na gupitan ako ng mga instant na barbero at parlorista.. pero nagpapasalamat ako sa kanila ng buong puso:DD Ü Mr. Brown | back to top mga kwento
Sunday, February 13, 2011 | 4:49 PM sadyang ganun talaga ang buhay.. boring kung minsan, minsan nakakaburaot, nakakaiyak at kung anu-ano pa. Ewan, siguro sadyang maha ako ng Diyos para bigyan ako ng masasayang oras, at sakit ng ulo. Foundation day. Masaya dahil may mga cheerdance ngunit nakakabagot. Tama. may apat kasing team ang Red-Talunan, Blue-zers, Yellow-weak at ang Green-manure *iniba ko talaga ang mga pangalan, para patas ang lahat.* ang orihinal na pangalan nito ay may nakakabit na hayop, halimbawa: Red Langgam, Blue Ahas, Yellow Sisiw, at Berdeng Tipaklong. Napunta ako sa Blue-zers Madaming labanan. Ngunit ako'y isang tamad na bata kaya wala akong sinalihan na palaro. May cheerdance, singing contest(duet, solo), ball-games at indoor-games. masyadong madami ehh. Dahil hindi ako sumali, naging Over-all Champion kami. ahaha. tama sa di ko malamang dahilan siguro bumawi kami sa indoor-games. Pero ang nakakalungkot na parte ay nung nag-aawarding na, nainggit ako sa mga kaklase ko na may medal, habang ako ay wala. Huhuhu, pero ayos lang iyon kesa naman sumali ako sa mga laro na di ko alam ang rules and regulation tulad na lang ng table-tennis *di ko alam kung paano magkakaroon ng score* nag-away kami ng aking bestfriend pero di ko sasabihin kung bakit. basta siya ang dahilan kung bakit ako nagulat, nalungkot, umiyak, tumahan, nagalit. at naging baliw kaya broken ako ngayong valentine's day </3. huhuhu naiinis ako kahapon hindi ako makapag computer, dahil kay mr.Virus dahil siya lang naman ang may alam kung bakit hindi gumagana ang computer, o may sira ang computer o sira ang ulo niya. ang aking ebidensiya ay ang aking Kapamilya, siya ang unang gumamit ng computer, nung ako ay natulog at nagising uli ay paalis na si mr. Virus, at sunod si Kapamilya.. kaya its my time para mag -computer. ngunit ayaw gumana.... ayaw ako pagamitin ni mr. Virus!!! dahil mataas ang bill ng aming kuryente!! rawr! pero may point naman siya....... wag lang siya papahuli sa akin BWAHAHAHA. tapos ng mga kwento. Ü mr. Brown | back to top i love ROLLER COASTER.
Tuesday, February 8, 2011 | 8:05 PM *paunawa: galit ako sa mundo, kaya kung maiinis kayo sa akin sa pinagsusulat ko dito, ay maari ka munang umalis sa aking blog at abangan na lang ang susunod kong i-popost dito. salamat sa iyong pang-unawa.* isang masayang araw sana dahil wala kaming ginawa buong maghapon. ngunit sadyang may balakid sa aking Cleaners ako.. di ko nga alam kung bakit may cleaners pa sa school na pinapasukan ko ehh. nag babayad kami ng pagkamahal-mahal. tsk tsk tsk. oh sadyang tamad lang ako, at tinuturuan kaming maglinis ng kapaligiran? *back to the topic* uwian time ang pinakamasayng subject na sumunod sa break at lunch * cleaners ako, at bilang isang mabait na bata ay nag volunteer akong magwalis ng sahig tutal tatlo na lang kaming natira, si mr. Brown (ako), ms. Pink, at si big-bad-kangaroo. kami ni ms. Pink ay sadyang pinanganak na mabait pero hindi kami manhid.. kaya nahalata namin na masyadong masipag si big-bad-kangaroo, masipag na tumingin sa aming pinagagagawa. habang kami ay nagwawalis ay pinapanood niya lamang kami. WATTA KANGAROOOOOO! nga pala siya ang aming leader. buti ba kung ngayong araw lang nangyari ehh. kaso hindi, nung mga nakaraang Martes pa siya ganun ilan sa mga trip niya ay:
sa tingin mo may mangyayari ba sa amin pag hindi kami nag volunteer na maglinis? sa tingin ko walang mangyayari. ang madumi naming room ay mananatiling madumi pa rin. eto ang nakakatuwa si big-bad-KANGAROO ng nakita niya kaming naglilinis ni ms. Pink habang kami ay kumakanta ng ♫ anu na naman ang gagawin mo? tatayo ka na lang ba? ang sipag mo naman ♫ at habang sinasabihan ko si ms. Pink na hooy! maglinis ka naman! wag ka ngang patayo-tayo lang! para paringgan siya! ngunit sadyang manhid at hindi siya natamaan. pero nadaplisan ata siya at nag-walk-out at hindi na bumalik, kaya hindi na niya nakiliti ang mga upuan... kaya para matanggal ang aming stress sa kanya nag sulat kami sa board ng BITTER at hinahagisan namin ito ng basahang basa hanggang matanggal ang BITTER na nakasulat nga sa board at ng matanggal na ang BITTER ay hindi pa rin natanggal ang aming stress. kaya yun kumain kami. isang mabisang paraan upang mawala ang iyong stress *HIGHLY RECOMMENDED.* at dahil dun kumain sila ng pancit canton. habang ako ay kumain ng ROLLER COASTER w/ ICED TEA dahil wala na akong pera , utang ko na lang ito sa aking klasmeyt. :D dahil sa roller coaster ay nawala miski papaano ang stress ko. salamat sa roller coaster. sa roller coaster gugulong ka sa saya! :D *napansin ko lang habang tina-type ko ito ay nawawala na ng tuluyan ang bitterness ko sakanya, salamat sa blog na ito pero higit sa lahat ay salamat sa DIYOS dahil napakabait niya dahil wala kaming ginawa nung araw na iyon at yun lang ang nangyari sa akin sa araw na ito. Ü mr. Brown | back to top anong napala ko sa ♥ ?
Sunday, February 6, 2011 | 5:21 PM from: photobucket ADVANCE HAPPY VALENTINES DAY! kung magtatanong kayo kung bakit napaka aga naman ng pagbati ko, ito ang aking sagot.
bakit ba valentine's day? sabi daw sa araw na ito namamana si Cupid (Roman god, god of desire, affection and erotic love) upang magka-ibigan daw ang dalawang tao. Naks! Pero ayoko sumali sa trip niya! eto ang nakakatuwa.. sa naglaro ako ng Family Feud sa Facebook sabi daw ang mga popular na symbol sa Valentine's Day ay Heart, Cupid, Bow and Arrow and Roses.. ang pinagtataka ko lang bakit may bow and arrow pa eh di ba dala yun ni Cupid? bakit nakasali pa? tatlo lang tuloy yung nahulaan ko. ano pa ba ang masasabi ko sa Valentine's day... uhhm Valentine's day ipinagdiriwwang ang aming Foundation day, namomroblema ako sa pang regalo ko sa mga magulang ko sa Valentine's day uhhm wag na nga lang sa Wedding anniversarry na lang nila next month naman din ehh., wala akong crush ngayon kaya wala akong reregaluhan sa Valentine's day :D uhhhm ^kunwari madami akong nasabi^ at dun nagtatapos ang post na ito. salamat sa pagbabasa. paalam! kung iyong napansin wala talgang koneksyon ang title ng post na ito sa pinagsusulat ko. ت mr. Brown ♥ | back to top anu daw??
Saturday, February 5, 2011 | 7:42 PM may mga bagay na nakakalito.. at di ko alam kung ano ang i rereact ko, para mas maintindihan niyo ang pinagsasabi ko, eto ang mga halimbawa
anu daw?? ang tinatanong ko ay kung ano yung tugtog ng sayaw nila hindi yung kantang pinapakinggan niya... eto pa
anu daw?? ang tanong ko ay kung nakabitan na yung kama nila... di ko alam kung bakit ganun ang mga sagot nila kaya naglista ako ng mga posibleng dahilan
isa na namang walang kwentang post....pero salamat at tinapos mo ang post na ito. | back to top Pagpapakilala
Friday, February 4, 2011 | 8:32 PM ang blog na ito ay aking gagamitin kapag ako ay walang magawa.. tama walang magawa lalo na kung galit ako sa mundo at galit ang mundo sa akin.
Yun pa lang ang aking masasabi sa pag-kakataong ito. Paki-usap wag niyo po akong husgahan agad kung may nasabi akong mali.. ako ay baguhan pa lamang ت mr. Brown | back to top |
salamat sa iyo.
at tinapos mo ang pagbabasa ng blog ko. |