ang aking Kwaderno.
at ang mga ,kwentong tsokolate
|
|
![]() Profile
Ako si Mister Brown isang simpleng Pinoy na walang ginagawang masama, maliban sa pagtapon ng basura kung saan-saan. Isa akong moody na tao, minsan masaya, minsan malungkot, minsan baliw, minsan normal at minsan abnormal pero kadalasan ako ay matakaw at wala sa sarili dahil lumilipad ang aking utak sa alapaap. bakit BROWN? dahil ito ay paborito kong kulay, kulay din ito ni tazmania na paborito kong cartoon character at mahilig ako sa tsokolate. :) — yun lang Tagboard
ShoutMix chat widget friends.
*link exchange is open
ت Luna ت Dra. Kwak Kwak Archives
February 2011
Credits
©Glamouresque. |
i love ROLLER COASTER.
Tuesday, February 8, 2011 | 8:05 PM *paunawa: galit ako sa mundo, kaya kung maiinis kayo sa akin sa pinagsusulat ko dito, ay maari ka munang umalis sa aking blog at abangan na lang ang susunod kong i-popost dito. salamat sa iyong pang-unawa.* isang masayang araw sana dahil wala kaming ginawa buong maghapon. ngunit sadyang may balakid sa aking Cleaners ako.. di ko nga alam kung bakit may cleaners pa sa school na pinapasukan ko ehh. nag babayad kami ng pagkamahal-mahal. tsk tsk tsk. oh sadyang tamad lang ako, at tinuturuan kaming maglinis ng kapaligiran? *back to the topic* uwian time ang pinakamasayng subject na sumunod sa break at lunch * cleaners ako, at bilang isang mabait na bata ay nag volunteer akong magwalis ng sahig tutal tatlo na lang kaming natira, si mr. Brown (ako), ms. Pink, at si big-bad-kangaroo. kami ni ms. Pink ay sadyang pinanganak na mabait pero hindi kami manhid.. kaya nahalata namin na masyadong masipag si big-bad-kangaroo, masipag na tumingin sa aming pinagagagawa. habang kami ay nagwawalis ay pinapanood niya lamang kami. WATTA KANGAROOOOOO! nga pala siya ang aming leader. buti ba kung ngayong araw lang nangyari ehh. kaso hindi, nung mga nakaraang Martes pa siya ganun ilan sa mga trip niya ay:
sa tingin mo may mangyayari ba sa amin pag hindi kami nag volunteer na maglinis? sa tingin ko walang mangyayari. ang madumi naming room ay mananatiling madumi pa rin. eto ang nakakatuwa si big-bad-KANGAROO ng nakita niya kaming naglilinis ni ms. Pink habang kami ay kumakanta ng ♫ anu na naman ang gagawin mo? tatayo ka na lang ba? ang sipag mo naman ♫ at habang sinasabihan ko si ms. Pink na hooy! maglinis ka naman! wag ka ngang patayo-tayo lang! para paringgan siya! ngunit sadyang manhid at hindi siya natamaan. pero nadaplisan ata siya at nag-walk-out at hindi na bumalik, kaya hindi na niya nakiliti ang mga upuan... kaya para matanggal ang aming stress sa kanya nag sulat kami sa board ng BITTER at hinahagisan namin ito ng basahang basa hanggang matanggal ang BITTER na nakasulat nga sa board at ng matanggal na ang BITTER ay hindi pa rin natanggal ang aming stress. kaya yun kumain kami. isang mabisang paraan upang mawala ang iyong stress *HIGHLY RECOMMENDED.* at dahil dun kumain sila ng pancit canton. habang ako ay kumain ng ROLLER COASTER w/ ICED TEA dahil wala na akong pera , utang ko na lang ito sa aking klasmeyt. :D dahil sa roller coaster ay nawala miski papaano ang stress ko. salamat sa roller coaster. sa roller coaster gugulong ka sa saya! :D *napansin ko lang habang tina-type ko ito ay nawawala na ng tuluyan ang bitterness ko sakanya, salamat sa blog na ito pero higit sa lahat ay salamat sa DIYOS dahil napakabait niya dahil wala kaming ginawa nung araw na iyon at yun lang ang nangyari sa akin sa araw na ito. Ü mr. Brown | back to top |
salamat sa iyo.
at tinapos mo ang pagbabasa ng blog ko. |