ang aking Kwaderno.
at ang mga ,kwentong tsokolate
|
|
![]() Profile
Ako si Mister Brown isang simpleng Pinoy na walang ginagawang masama, maliban sa pagtapon ng basura kung saan-saan. Isa akong moody na tao, minsan masaya, minsan malungkot, minsan baliw, minsan normal at minsan abnormal pero kadalasan ako ay matakaw at wala sa sarili dahil lumilipad ang aking utak sa alapaap. bakit BROWN? dahil ito ay paborito kong kulay, kulay din ito ni tazmania na paborito kong cartoon character at mahilig ako sa tsokolate. :) — yun lang Tagboard
ShoutMix chat widget friends.
*link exchange is open
ت Luna ت Dra. Kwak Kwak Archives
February 2011
Credits
©Glamouresque. |
mga kwento
Sunday, February 13, 2011 | 4:49 PM sadyang ganun talaga ang buhay.. boring kung minsan, minsan nakakaburaot, nakakaiyak at kung anu-ano pa. Ewan, siguro sadyang maha ako ng Diyos para bigyan ako ng masasayang oras, at sakit ng ulo. Foundation day. Masaya dahil may mga cheerdance ngunit nakakabagot. Tama. may apat kasing team ang Red-Talunan, Blue-zers, Yellow-weak at ang Green-manure *iniba ko talaga ang mga pangalan, para patas ang lahat.* ang orihinal na pangalan nito ay may nakakabit na hayop, halimbawa: Red Langgam, Blue Ahas, Yellow Sisiw, at Berdeng Tipaklong. Napunta ako sa Blue-zers Madaming labanan. Ngunit ako'y isang tamad na bata kaya wala akong sinalihan na palaro. May cheerdance, singing contest(duet, solo), ball-games at indoor-games. masyadong madami ehh. Dahil hindi ako sumali, naging Over-all Champion kami. ahaha. tama sa di ko malamang dahilan siguro bumawi kami sa indoor-games. Pero ang nakakalungkot na parte ay nung nag-aawarding na, nainggit ako sa mga kaklase ko na may medal, habang ako ay wala. Huhuhu, pero ayos lang iyon kesa naman sumali ako sa mga laro na di ko alam ang rules and regulation tulad na lang ng table-tennis *di ko alam kung paano magkakaroon ng score* nag-away kami ng aking bestfriend pero di ko sasabihin kung bakit. basta siya ang dahilan kung bakit ako nagulat, nalungkot, umiyak, tumahan, nagalit. at naging baliw kaya broken ako ngayong valentine's day </3. huhuhu naiinis ako kahapon hindi ako makapag computer, dahil kay mr.Virus dahil siya lang naman ang may alam kung bakit hindi gumagana ang computer, o may sira ang computer o sira ang ulo niya. ang aking ebidensiya ay ang aking Kapamilya, siya ang unang gumamit ng computer, nung ako ay natulog at nagising uli ay paalis na si mr. Virus, at sunod si Kapamilya.. kaya its my time para mag -computer. ngunit ayaw gumana.... ayaw ako pagamitin ni mr. Virus!!! dahil mataas ang bill ng aming kuryente!! rawr! pero may point naman siya....... wag lang siya papahuli sa akin BWAHAHAHA. tapos ng mga kwento. Ü mr. Brown | back to top |
salamat sa iyo.
at tinapos mo ang pagbabasa ng blog ko. |